PVL: COOL SMASHERS AT PETROGAZZ SA FINALS


GANAP na winalis ng Creamline Cool Smashers ang PacificTown-Army matapos ang 25-12, 25-18, 25-13, panalo kahapon sa Game 2 ng 2019 PVL Reinforced Conference best-of-three semifinals kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.
Naitala ng Cool Smashers ang kanilang ikatlong sunod na PVL Finals appearance.
Nagposte si Thai import Kuttika Kaewpin ng 12 puntos, 10 digs at 8 excellent receptions habang nagdagdag si Alyssa Valdez ng 11 puntos upang pamunuan ang balanseng opensa ng Creamline.
Sa kabuuan, nagtala ang Cool Smashers na hinatak ang kanilang winning streak sa 11 laro ng 39 attack points, 5 kill blocks at 7 aces. “This year has been a different kind of challenges, ‘yung nabigay sa amin from the very start, since January until now, iba-iba ang pinagdaanan ng team at iba-iba rin ‘yung nakalaban namin. It’s an interesting season,” pahayag ni Valdez.
“It’s going to be exciting in the Finals kasi first time namin makakalaban ang PetroGazz with one of the best imports na dumating sa atin, si Wilma Salas,” dagdag nito. Ang Game 1 ng best-of-three championship series ay sa Miyerkules. Haharapin ng PacificTown-Army ang BanKo sa battle for third. Nauna rito, winalis din ng PetroGazz ang semis series nila ng BanKo Perlas matapos ang 25-23, 25-18, 25-17 panalo kahapon sa Game 2. Ito ang unang pagkakataon na umusad ang Angels sa finals.
Pinangunahan ni Wilma Salas ang panalo sa ipinoste nitong 23 puntos habang nagdagdag si Janisa Johnson ng 13 puntos at tig-13 ring digs at receptions.
Ang Game 1 ng best-of-three championship series ay sa Miyerkules. Haharapin ng PacificTown-Army ang BanKo sa battle for third. (VA)





Comments