HOROSCOPE | Hulyo 07, 2019 (Linggo)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 7, 2019 (Linggo): Hindi magsasawa ang iyong kapalaran na ayusin ang iyong buhay. Kahit nagkakamali at nagkakasala ka, makaaasa ka pa rin na gaganda ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tumingin ka sa maganda at gaganda ang kilos at isipan mo. Ang mga tao, madalas na pinapayuhan na magpunta sa mapayapang lugar nang sa gayun ay magkaroon ng mapayapang kalooban. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-19-20-24-39-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang humatol para hindi ka husgahan. Hindi ito pakikinggan ng ilang taong nasa paligid mo kaya tatanggap sila ng kaparusahan sa kanilang paglabag sa nasabing banal na utos. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-21-25-38-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Nagbababala ang kapalaran mo na mabibihag ka ng iyong kausap. Ang hindi mo alam, ikaw ang masarap na kakuwentuhan kaya dapat sila ang iyong mabihag. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-25-38-40-46.
CANCER (June 21- July 22) - Dagdag na pahinga ang kailangan mo. Bawasan mo ang mga aktibidad na nakasisira sa iyong kalusugan. Sa pamamahinga, hindi lang katawan ang gumaganda kundi nananariwa rin ang kaisipan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-24-33-36-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong dayain ang iyong sarili. Kung ano ang nadarama mo, ‘yun ang sundin mo. Ang sinasabi ng isip ay kadalasang sagabal kung paano ka liligaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-24-25-33-36-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magbigay ka nang maluwag sa puso mo. Ito ang sikreto para sa masayang buhay. Magmahal ka nang maluwag sa puso mo at ito ang susi tungo sa tunay na kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-15-23-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ingatan mong maabuso mo ang magagandang regalong ito ng langit. Ipagdasal mo ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-13-14-20-31-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magsuot ng damit na kupas at matamlay ang kulay. Kung ano ang kulay ng iyong damit, ‘yun din ang iyong mararamdaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-15-17-26-34-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangan mong malaman na kapag hindi mo pinagdamutan ang sarili mo sa masasarap na bagay, mabilis na gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-20-24-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit wala kang gawing anuman, gaganda ang iyong buhay dahil noon pa man, itinakda na ng langit na ngayon ay magdaratingan sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-24-27-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa taong alam mong may pangit na kapalaran dahil maaaring mailipat sa iyo ang mga hindi magagandang kapalarang kanilang pinagdurusahan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-22-26-30-33-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang lumayo sa may gusto sa iyo. Hindi masama na pakitaan mo sila ng hindi maganda. Ang hindi mabuti ay ang pinakikitaan ng maganda, pero pangit ang sinasabi kapag nakatalikod na sila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-21-24-30-34-37.




Comments