top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Bukod sa compatible ang birth date ninyo, ‘teh! DALAGANG SA SANDALING NAGING BF ANG MATAGAL NG CRUSH

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 7, 2019
2 min read

Dear Maestro,

May crush akong la­laki na December 13 , 1996 ang birthday, pero hindi ko inaasahang mapapansin niya ako.

Kung saan-saan na ako nakarating at namasu­kan, pero pagbalik ko sa probin­siya namin, nakapagta­ta­kang naging close kami. Ito ay nangyari nang mag-break sila ng girlfriend niya na bestfriend ko rin.

Tapos nagkuwentuhan kami at ikinuwento niya sa akin na nag-break nga raw sila ng girlfriend niya dahil nag-Japan ito at doon na na­kapag-asawa ng Hapon.

Akala ko noon, ang crush ay paghanga lang na nawawala rin paglipas ng panahon. Pero, iba ang na­ging feeling ko sa kanya, lalo na ng maging close kami, tuluyan na akong na­pamahal sa kanya.

Kaya ngayon, hindi ko alam kung may nararam­daman din siya sa akin o baka kaya naging malapit siya sa akin ay dahil broken-hear­ted siya ngayon.

Ma­saya ako kapag mag­kasama kami at okay na sana sa akin ‘yung gani­tong feeling. Ang gusto kong malaman, Maestro, ay kung compatible ba kami at magiging kami din kaya, balang-araw? April 7, 1997 ang birthday ko.

Umaasa,

Cathy ng Bignay 1, Sariaya, Quezon

Dear Cathy,

Ang zodiac sign mong Aries at Sagittarius ang la­laking espesyal sa puso mo ay tunay ngang compatible sa isa’t isa dahil ang Aries at Sagittarius ay kapwa pina­ngi­ngibabawan ng elemen­tong fire o apoy.

Habang sa Numerology, ang birth date mong 7 ay sadyang suwetung-suwe­tong isama sa birth date na 13 o 4 (1+3=4) ng sinasabi mong lalaki kung saan sa pang-estatistikang basehan, tunay ngang maraming isini­lang sa mga petsang 7, 16 at 25 ay nakatutuluyan silang isinilang sa mga petsang 4, 13, 22 at 31.

Ibig sabihin, sa pag-a­analisang pang-Astro-Nu­me­rology, walang duda, sad­yang tugma talaga kayong dalawa.

Kaya sobrang laki ng po­sibilidad na siguradong ma­uuwi ang kasalukuyan nin­yong pagkakaibigan sa ma­timyas at masayang relas­yon kung saan habang tu­matagal ang inyong friend­ship at kakaibang ugnayan, lalo kayong masasarapan na pang-emosyunal hanggang sa tuluyang mauwi ito sa to­too at wagas na pag-iibigan.

Paglipas pa ng ilang mga taon, matapos na tuluyang maging kayo, tiyak ang ma­ga­ganap, darating ang pana­hong mauuwi rin sa maligaya at panghabambuhay na pag­papamilya ang inyong relas­yon na nakatakdang mang­yari ngayong taon, sa buwan ng Disyembre, sa edad mong 22 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page