top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

‘Di na raw healthy… RICHARD, ATRAS MAKA-LOVE TEAM SI JODI

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 7, 2019
2 min read

NINE months nawala sa telebisyon si Richard Yap. Ang huling teleseryeng ginawa niya ay ang Sana Dalawa ang Puso with Jodi Santa­maria and Robin Padilla.

Pagkatapos ay pinasok niya ang pulitika. Sadly, ‘di siya nanalo sa public post na tinakbuhan niya in his hometown sa Cebu.

And now, he’s back via the top-rating and trending Kapamilya Gold seryeng Kadenang Ginto.

Sa unang paglitaw pa lang ni Richard sa serye bi­lang si Leon, nag-viral agad ito sa social media. Patunay lang na ang daming naka-miss kay Richard.

“Oo, it’s ano, nakakatuwa. Nakakataba ng puso na after all this time, na I’ve been away, pagbalik ko, ang dami palang nakaka-miss sa akin,” naka­ngiting pahayag ni Richard sa presscon para sa ikalawang yugto ng Kadenang Ginto at pagpasok niya bilang bagong member ng cast.

Hindi raw niya inasahan na isang grand welcome ang sasalubong sa pagbabalik niya on TV.

“Yeah, I didn’t expect it to be like that. Nine months din akong nawala. Since nag-start ‘yung Kadenang Ginto, wala ako. And, I feel very grateful that I’ve been given a chance na mapunta rito. Kasi alam ko na ang taas na ng ratings ng Kadena, para at least, hindi ka na pressured.”

Nakadikit ang role ni Richard as Leon sa isa sa mga bida ng serye na si Beauty Gonzalez na gumaganap naman bilang si Romina.

Now pa lang, may nag-react na raw sa posibleng Richard-Beauty love team sa Kadena.

“Well, ‘yung iba, may violent reaction. ‘Yung iba, gusto nila na pumasok ako sa Sino ang Maysala?

‘Yun na naman ang inaano nila na papasok ako ulit.”

Okey naman para kay Richard na mabigyan ng ibang partner bukod kay Jodi.

“I think it’s healthy na magkakaroon ka ng ibang partner, kasi mahirap din naman na lagi akong nakadikit kay Jodi. And in the same way that she’s doing other stuff na marami rin siyang nagiging partner. So, maganda rin ‘yung nakakapag-experiment kami.”

Pare-parehong happily married and rich ang mga bida ng Kadena na sina Beauty, Dimples Romana and Richard. Kung tutuusin daw, ‘di na nila kailangang magtrabaho.

“Hindi naman,” tanggi ni Richard. “We all need to work kasi kapag hindi ka nagtrabaho, nakakabobo, eh. Minsan, ‘di ba, kapag hindi ka nagtrabaho, nawawala, ‘di ba karamihan? ‘Yung iba, nagre-retire at nagde-deteriorate sila.”

Like the late Eddie Garcia, kahit 90 na, ayaw pa ring tumigil sa showbiz.

“Oo, ‘yun! He worked until the last day of his life. ‘Di ba, nawawala ‘yung memory ‘pag tumitigil magtrabaho?” katwiran pa niya.

True.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page