top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

LUCKY JULLIANE, BAKA ‘DI ABUTAN

Ding Taboy
Jul 6, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

PITONG karera ang aalagwa ngayong gabi sa tagpo ng 3 Year Old & Above Maiden Race at Condition Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.

Kasabay nito, magaganap ang Winner Take All (WTA) sa Race 1 habang ang Pick 6 sa Race 3, ang Pick 5 sa Race 4 at Pick 4 sa Race 5. Sa Race 1, magsisimula ang laban at pinapaboran ang Kingwash Beauty, Caraga Storm at Star of Florjo na puwedeng pamoste ng WTA.

Pinapaboran ang Daanbantayan laban sa No Matter What at Nicole’s Pet sa Race 2. Sa Race 3, nakalalamang ang Cost Less sa couple entry na Ok Mr. Bond, Kisskissbangbang at Rocking Star kung saan magsisimula ang Pick 6. Mahigpit na magkakasagupa ang apat na mananakbo sa pangunguna ng Lucky Julliane, Corazon, Great Connection, San Rafael at Highway Hills sa Race 4 na simula ng Pick 5.

Nakalalamang ang Raxa Bago sa mga katunggali na Marino ng Tanglaw at couple entry na Lady Of Peace at Air Class na simula ng Pick 4 sa Race 5. Ipinapatok ang Bebang habang ang couple entry na Kangaroo Court at Sheer ang makakalaban sa Race 6.

Ipinapatok ang Fighter In The Wind habang ang Mabalos, Gee’s Account at Single Flower ang magkakalaban nang mahigpit sa pagtikada ng Race 7. Magsisilbing paratingan sa WTA, Pick 6, 5 at Pick 4 ang couple entry na Super Sonic at Pendant habang ang Born In April ay may tsamba sa Race 8. Tip ni Mang Ding:

Race 1- Kingwash Beauty (7) Star of Florjo (2) Race 2- Daanbantayan (3) No Matter What (4) Race 3- Cost Less (2) Entry No.4 Race 4- Lucky Julliane (1) Corazon (4) Entry No, 5 Highway Hills (7) Race 5- Raxa Bago (7) Marino ng Tanglaw (4) Race 6- Bebang (6) Entry No.1 Race 7-Fighter In The Wind (1) Single Flower (5) Gee’s Account (3) Race 8- Entry No.2 Born In April (3) WTA (1-7) 7-12/2-3-4/2-4-5/1-4/7-4/6/1-5 Pick 6 (3-8) 2-4-5/1-4/7-4/6/1-5/2 Pick 5 (4-8) 1-4/7-4/6/1-5/ 2 Pick 4 (5-8) 7-4/6/1-5/2

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page