Kung si Karla, todo-tutol… MATTEO, NIYAYA AT HINAMON SI DANIEL NA MAG-SUNDALO RIN, DEDMA
- BULGAR

- Jul 6, 2019
- 2 min read

ANG daming kuwento ni Matteo Guidicelli tungkol sa naging training niya bilang Army reservist nang mag-guest siya sa Magandang Buhay kahapon (July 5).
Ayon sa Fil-Italian actor, nu’ng una ay ayaw pumayag ng pamilya niya at ng girlfriend na si Sarah Geronimo na pumasok siyang Scout Ranger. Pero dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na pala ang nag-invite sa kanya at naging backer niya, wala nang nagawa ang family niya at si Sarah.
Besides, isang buwan lang naman ang naging training ni Matteo sa Camp Tecson sa Bulacan, at ngayon nga, balik na siya sa normal niyang buhay.
Pero kuwento ni Matteo, ‘di pala madali ang pinasok niya. Four days pa nga lang daw siya sa kampo ay gusto na niyang umuwi. Nagkaroon daw ng psychological effect sa kanya ‘yung pagsigaw-sigaw sa kanya ng military officer since hindi naman siya sanay sa ganitong lifestyle na mabilisan lagi ang kilos at mahirap ang mga ginagawa sa training.
Napaluha rin daw siya nang maparusahan at kinailangan niyang gawin ‘yung tusok-ulo kung saan nakatusok ang ulo niya sa lupa habang ang dalawang paa niya ay nakatukod sa kabilang side ng ground.
Nang minsan nga raw na bisitahin siya ni Sarah sa kampo, naawa ito sa kanya nang pumasok sa tent nila ng kanyang buddy.
At dahil nasa sahig lang sila, sabi raw sa kanya ni Sarah, “Love, iuwi na lang kita, please?”
Pero dahil sa dedikasyon ni Matteo, tinapos niya ang more than 30 days training na nagsimula nu’ng May 27 hanggang July 1. At ngayon nga, may ranggo na siya, second lieutenant bilang Philippine Army reservist.
Mukha namang no regrets si Matteo sa kanyang naging experience sa training sa Camp Tecson kaya sa guesting niya sa Magandang Buhay, niyaya pa nga niya ang ibang artista at maging ang anak ni Karla Estrada na si Daniel Padilla na mag-Army reservist na rin.
Tinawagan daw niya si DJ at hinamon na mag-tusok-ulo rin, pero ‘di pa sumasagot ang BF ni Kathryn Bernardo dahil baka raw busy pa ito.
Pero ang nanay ni Daniel, mukhang ayaw na mag-Army reservist ang anak.
Eh, sa basketball nga lang, todo-paalala na si Karla at super worried kay DJ dahil baka mabalian o maaksidente, ‘di ba? Sa pagsu-sundalo pa kaya siya papayag?
Anyway, may presscon today si Matteo kasama sina Ms. Charo Santos-Concio, Piolo Pascual at Enchong Dee para sa Sunlife Insurance, kaya tiyak na marami pang tanong ang press kay Matteo tungkol sa kanyang bagong career.




Comments