top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Wow, bongga! SUPER TEKLA, BALAK IPAGPATAYO NG MANSIYON AT BEACH RESORT ANG MISIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2019
  • 1 min read

SA taping ng Magpakailan­man episode na Lotto Winner, Naging Loser ay tina­nong namin sina Super Tek­la at Vaness del Moral kung ano ang ga­ga­­win nila kung sakaling manalo sila ng grand prize sa Lotto.

“Kung milyones, ipagpa­pa­gawa ko ng mansiyon ang aking mag-ina sa Bisaya. Bibili ako ng resort na ima-manage ni misis. Maglalaan din ako ng educational fund para sa poor kids,” sabi ni Tekla who appears as Ervin.

“Laki ako sa lola kaya may puwang sa puso ko ang senior citizens. Kung may milyones ako, magpapatayo ako ng home for the aged. Doo’y may pagkain, gamot at tender loving care for them,” sabi na­man ni Vaness na Vergie ang papel.

Sino ba ang ayaw yumaman at mamu­hay nang masagana? Ito ang rason kung bakit marami ang nagaganyak na tu­maya sa Lotto.

True story ng lalaking tumama sa Lotto na nagtiwala ng kanyang winning sa dalawang pinsan named Angel and Manuel ang tampok sa MPK. Later on ay nabuking niyang itinakas na ng mga swindler ang pera.

Dahil crime does not pay, inatake sa puso si Angel (Tonio Quiazon) at pinatay naman si Manuel (Ian de Leon).

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page