Truck pinasabog, 106 nadale
NASAWI ang anim katao habang 100 ang sugatan sa pagsabog ng truck sa Afghan Defense Ministry Compound sa Kabul, Afghanistan.
Pagkatapos ng pagsabog, limang armadong lalaki ang nakapalibot sa gusali at pinagbabaril ang mga rescuer.
Ayon sa Taliban, target ng pag-atake ang technical installation ng Defense Ministry.
Batay sa impormasyon, mahigit 100 ang sugatan kung saan 41 rito ay pawang mga bata na nasa malapit na eskuwelahan.
Naganap ang pag-atake matapos ang ikapitong round ng peace talks ng US Special Peace Envoy na si Zalmay Khalilzad sa Taliban na ginanap sa Qatar.





Comments