top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya oks lang kahit parehong kaliwa ang iyong mga paa, mamsh! MGA BENEPISYO NG PAGSAYAW

  • Jersey Sanchez
  • Jul 5, 2019
  • 2 min read

FOR sure, may mga beshy tayo riyan na game na game pagdating sa sayawan at mayroon ding nagpa-pass dahil parehong ‘kaliwa ang mga paa’ nila. Pero, mga besh, mahilig ka mang sumayaw o hindi, siguradong mapaiindak ka kapag nalaman mo ang health benefits na kayang ibigay nito sa iyo. Gayunman, narito ang ilang benepisyo ng pagsayaw:

1. IMPROVES CARDIOVASCULAR HEALTH. Ayon sa Department of Health and Human Services, nakukuha ang heart-pumping benefits sa 150 hanggang 300 minutong pagsayaw kada linggo na may moderate hanggang intensity ng exercise. Samantala, ayon sa mga eksperto, ang lahat ng style ng sayaw ay mabuti para sa cardio workouts.

2. IMPROVES BALANCE AND STRENGTH. Sey ng experts, isa sa mga dahilan kung bakit magandang uri ng physical fitness ang pagsasayaw ay dahil nai-incorporate nito ang galaw mula sa iba’t ibang direksiyon.

3. BOOSTS COGNITIVE PERFORMANCE. Maraming pag-aaral ang nakapagsabi na ang pagsasayaw ay nakapagme-maintain at nakabu-boost sa kakayahan ng pag-iisip habang tumatanda ang indibidwal. Gayunman, napag-alaman ng mga eksperto na ang parte ng utak na nagkokontrol sa memorya at skills tulad ng planning at organizing ay nag-improve sa pamamagitan ng pagsayaw.

4. CAN BE A SOCIAL ACTIVITY. Siguradong may mga pagkakataong gusto mong sumayaw nang walang nakakikita, pero ayon sa mga eksperto, ang pagsayaw kasama ang ibang tao ay kakaiba sa pangkaraniwan kung saan nagkakaroon ng “something”. Ang pagsali sa ballroom o belly dancing class at pagsayaw kasama ang mga kaibigan o ang iyong pamilya ay nakabubuti sa iyong social at emotional health. Kaya mga besh, make dancing with your family a hobby. Okie?

5. BOOSTS MOOD. Ayon sa mga eksperto, ang paggalaw at pagsayaw ay expressive kung saan nakatutulong ito para ‘makatakas’ ka. Gayundin, napaga­ganda nito ang iyong emotional health sa pamamagitan ng pagbawas ng stress, pagpapababa ng sintomas ng anxiety at depresyon.

Mga besh, try n’yo nang magsayaw kahit paminsan-minsan lang, ‘yung tipong walang makakikita kahit na sino. Ha-ha-ha! Kidding aside, kung gusto ninyong ma-achieved ang mga benepisyong ito, make sure na susubukan ninyong sumayaw. Oks lang kung hindi ka pa masyadong confident basta ang importante, eh, sinubukan mo. Keep dancing, beshy!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page