top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ganern, James? NADINE, SANDALI LANG ANG ROLE SA MOVIE NILA NI AGA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

ADAPTATION ng Korean movie na Miracle in Cell No. 7 pala ang pelikulang pagsasamahan nina Aga Muhlach at Nadine Lustre sa Viva Films.

Sabi, hindi pa dapat lumabas ang balitang ito at kung natatandaan, nang mag-meeting sina Aga at Nadine sa Viva Films, walang nabanggit na project. Kaso, lumabas pa rin ang balita at wala nang magawa ang Viva.

Kung napanood ninyo ang Miracle in Cell No. 7, istorya ito ng ama at anak na batang babae. Mentally-challenged ang ama na naakusahang nang-rape at pumatay ng bata kaya naku­long. ‘Yun ang role na gagam­panan ni Aga at ang anak niya ang gagampanan ni Nadine.

Kaya lang, paglaki na ng bata at lawyer na siya, saka papasok si Nadine. Sandali lang ang role ni Nadine, pero tatatak pa rin.

Anyway, matatanong tiyak si Nadine tungkol sa pagsasama nila ni Aga sa presscon ng pelikulang Indak.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page