Dahil sa malakas na ulan | MGA PADER GUMUHO, 33 PATAY
TODAS ang 33 katao matapos gumuho ang ilang pader sa Mumbai, India matapos ang malawakang pag-ulan.
Dahil dito, apektado ang Mumbai na financial capital ng India at sarado ang mga paaralan at opisina.
Ayon kay Police Officer Rabinder Howle, gumuho ang sampung metrong pader sa squatter’s area sa bahagi ng Malad kung saan 21 ang naitalang patay.
Gayundin, nagkaroon ng pagguho ng pader sa Maharashtra State, Pune City at Thane District kaya tumaas sa 33 ang death toll.
Ang monsoon season sa bansa ay nagdadala ng malakas na pag-ulan sa buwan ng Hunyo hanggang Setyembre kung saan nagdudulot ito ng pagbaha at mga pinsala sa mga imprastruktura.
Bukod sa pagguho ng mga pader, lubog din sa baha ang mga kalsada at rain tracks.
Ayon sa Skymet, private weather forecasting agency, ang rainfall volume sa Mumbai noong mga nakaraang araw ay pinakamalaki sa isang dekada at pangalawang pinakamalaki sa 44 taon.





Comments