Alamin mula kay Señor... DAGDAG NA KAALAMAN TUNGKOL SA LUCKY CHARMS
- BULGAR

- Jul 5, 2019
- 1 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan sa e-mail ni Perly ng Perla03_ Cutie@facebook.com
Sa iyo Perly,
Narito ang karagdagan sa mga puwedeng pampasuwerte o lucky charms na hatid ng tag-ulan:
1. Ang unang bulaklak sa halaman, ibig sabihin, mula sa pagtubo, ang halaman ay lalago at mamumulaklak at ang unang bulaklak ay ang magsisilbi ninyong lucky charm.
Hindi pangkaraniwan ang power ng unang bulaklak dahil ito ay nagagamit sa panggagayuma.
Ilagay ito sa paboritong pabango at gamitin ang pabango para magayuma ang mga tao, ibig sabihin, hindi lang ang mga lalaki kundi maging ang kapwa ninyo babae.
Puwede ring gamitin ang pabango na nilagyan ng bulaklak bago humarap sa taong lalapitan at saka hilingin ang iyong kagustuhan.
2. Katas ng mga dahon na mula rin sa halaman. Isama ang dagta sa langis at puwede itong gamitin sa mga sakit sa balat, gayundin sa rayuma o pamamaga ng kasu-kasuan.
Ginagamit din ito na panghatak ng mga suwerte kaya inirerekomenda na bago lumabas ng bahay ay maglagay muna nito sa braso, kamay, leeg o dibdib.
Ang resulta ay maililipat sa iyo ang ilang mga suwerte ng makahaharap o makakatabi mo .
3. Kapag nabasa ng malakas na ulan, pigain ang damit na nabasa at ilagay sa maliit na batya.
Mabisang panlaban ito sa negatibong enerhiya na naninirahan sa loob ng bahay.
Sa kuwarto ng may sakit, puwede ring ilagay ang nasabing batya. Sa ganitong paraan, bibilis ang paggaling ng may karamdaman.
Mabisa rin itong pampaalis ng kamalasan na nararanasan ng nakatira sa bahay. Good luck and God bless!




Comments