top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa mga nalilito riyan at dehins makapag-decide... TIPS PARA MAKAPAGPASYA NANG MAAYOS

  • Justine Daguno
  • Jul 4, 2019
  • 2 min read

NALILITO ka na ba sa mga nang­ya­yari sa buhay mo? ‘Yung tipong dehins mo gets kung paano ka na­­punta sa sit­was­yong ki­nala­lag­yan mo ngayon? Marahil, ang dahi­lan nito ay ang mga maling de­sis­yon na napili mong gawin noon.

Bagama’t, hindi ma­dali ang paggawa ng mga desisyon, narito ang ilang tips na dapat ikonsidera na siguradong makatu­tulong sa atin:

1. SET ASIDE SOME QUIET TIME. Kapag may bagay tayong kailangang pag­desisyunan, makabubuti kung bibigyan natin ang ating sarili ng space kung saan ma­layo sa anumang uri ng dis­traction nang sa gayun ay ma­dali nating mapagnini­la­yan ang mga ideya na dapat nating gawin.

2. CLARIFY YOUR THOUGHTS. Ang taong magulo ang isip ay hindi na­kapagdedesisyon nang ma­buti. Bago gumawa ng anu­mang pasya, kailangang wa­lang anumang gumugulo sa ating isipan. Ang kalmado at focus na pag-iisip ang pun­dasyon para magkaroon ng epektibong desisyon.

3. BE CLEAR ABOUT YOUR GOALS. Mada­las, ang pagkakaroon ng “mara­ming goals” sa buhay ang da­hilan kaya mas naliligaw ng landas ang tao. Masyado si­yang maraming trip gawin kaya nalilito siya sa kanyang uunahin. Kapag gusto nating gawin ang partikular na ba­gay, make sure na magka­kasundo ang isip, puso at kakayahan natin para gawin ito.

4. GATHER INFOR­MA­TION. Walang masa­ma kung humingi tayo ng payo sa mga taong malapit at mas nakakikilala sa atin tulad ng ating mga magulang, kaibigan at iba pang mahal sa buhay. Tandaan, na tim­bangin natin ang mga ideya na kanilang ibinigay para sa huli, tayo pa rin ang magde­desisyon para sa ating sarili.

5. CONSIDER WHAT YOUR INSTINCTS TELL YOU. Sa iba, epek­tibo ang “instincts” o “gut feel”, well, kung mabababaw lang naman na pagpapasya tulad ng pagpili ng regalo, pagbili ng damit o sapatos at iba, puwede itong mag-work.

6. LAY OUT THE FACTS. Maaari tayong gu­mawa ng listahan ng pros at cons o advantages at disad­vantages tungkol dito. Ma­katutulong ito para madali nating matitimbang ang choice na dapat nating ga­win.

Sabi nila, bawat desisyon ay may pagsisisi sa huli, pero nakadepende ito kung gaano kabigat o katagal bago natin matanggap.

Tandaan, dapat tayong maging matalino sa paggawa nito dahil gaanu­man ito ka­babaw, may posi­bili­dad na ma­laki ang maging epekto nito sa ating buhay. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page