top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Maraming kabataan, mas gusto nang kumayod kaysa mag-aral

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 4, 2019
  • 1 min read

Marami sa senior high school graduates, partikular sa mga naunang batch ang napilitang magpatuloy sa kolehiyo dahil wala pang oportunidad sa pagta­trabaho.

Kamakailan lamang, lumabas sa pag-aaral na 93 porsiyento ng mga kakayahang hinahanap ng employer ay matatagpuan sa SHS graduates.

Kaya naman, nasa 4,500 trabaho ang maaaring aplayan ng SHS graduates sa job fair na inorganisa ng non-profit organization.

Layunin ng job fair na mabigyan ng trabaho ang mga nagtapos ng SHS, gayundin, bukas ito para sa mga SHS student na nanga­ngailangan ng work immersion.

Idaraos ang First Future Career Immersion and Employment Caravan sa Hulyo 11 sa Trinoma Mall sa Quezon City at Hulyo 16 sa Robinsons Galleria sa Cebu City.

Kasama sa 4,500 bakanteng trabaho ang posisyon sa sales, customer service, information technology, administrative work, finance at retail.

Sa hirap ng buhay ngayon, maraming kabataan ang mas gustong magtrabaho kaysa mag-aral, kaya payo sa mga gusto munang mag-ipon para makapagkolehiyo at para sa mga SHS graduate na nais nang magtrabaho, mga oportunidad para magkatrabaho, huwag palampasin!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page