Kaya 3 days nang out sa It's Showtime… SAKIT NI VICE, IBINULGAR NG KAPATID NA DOKTORA
- BULGAR

- Jul 4, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KAYA pala three days (Monday to Wednesday) nang absent ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa It’s Showtime ay dahil maysakit ito at kalalabas lang sa The Medical City.
Napansin ito ng dating manager ni Vice na si Ogie Diaz kaya agad itong nag-post sa kanyang social media account nu’ng Martes.
Aniya, “Nakaka-miss si Vice Ganda sa It’s Showtime, dalawang araw na.”
Nag-comment dito ang doktorang kapatid ni Vice at sinabing kailangan munang magpahinga ng host dahil halos isang linggo nang nagsusuka’t nagtatae ang Unkabogable Star.
Nag-tweet naman kahapon ang TV host at sinabing makakauwi na siya sa tatlong araw na pagkaka-confine.
Sabi ni Vice, “Thank you very much to all the wonderful doctors, nurses and staff of TheMedicalCity for taking good care of me for 3days. Ang babait at ang aliwalas n’yo. God bless you guys! Uwian na!”





Comments