PITONG KALAHOK SA 4-YO ABOVE OPEN STAKES RACE

PITONG mananakbo ang kalahok sa 2019 Philracom 4- Year-Old & Above Open Stakes Race na kinabibilangan ng imported na kabayo na maglalaban-laban sa Saddle & Clubs Leisure Park sa bayan ng Naic, Cavite sa ikalawang linggo ng Hulyo.
Ayon sa Philracom, ang karera ay nakatakdang maganap sa Hulyo 14 sa Santa Ana Park, Naic. Bubunuin ng mga kalahok ang distansiyang 1,700 meters na kinabibilangan ng Already Feasty, Certain To Win, Critical Moments, Eugene Onegin, Tap Dance at mga imported na Hitting Spree at Viva Morena.
Nakalaan ang premyong P.5-M na hahatiin sa unang apat na kabayong makatatawid sa finish line. Tatanggap ng P300,000 ang tatanghaling kampeon, mapupunta ang P112,500 sa 2nd place, tatanggap naman ng P62,500 ang 3rd place at mapupunta ang P25,000 sa 4th place.
Samantala, magiging magaan ang laban ngayon sa Race 1, kasabay ng panimula ng Winner Take All (WTA) na maghaharap ang 12 kalahok at ipinapatok ang Abakada sa Condition Race (20) sa Additional One Win in Group Races sa Santa Ana Park.
Susunod ang Pick 6 sa Race 2, nakalalamang ang Bottoms Up laban sa Grey Area at Race 3 kung saan, magsisimula ang Pick 5 na paglalabanan ng Facing Dixie, Bowties and Charms at couple entry na Faithful Wife at High Grader. Sa Race 4, magsisimula ang Pick 4, nakalalamang ang Suberbia laban kay Humidor, habang sa Race 5, maglalaban ang Lady Pio, Double Sunrise, Love Affair at High Quality. Maglalaban ang La Corona, Right As Rain at Tejeros sa Race 6 at sa Race 7, mahigpit na maglalaban ang Juliana’s Gold, Kid Tayabas at Modern Girl.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Abakada (12) Shalom (5) Race 2- Bottoms Up (9) Grey Area (5) Race 3- Facing Dixie (2) Entry No.1 Wings In My Feet (3) Race 4- Suberbia (1) Humidor (6) Race 5- Lady Pio (6) Double Sunrise (5) Love Affair (4) Race 6- La Corona (6) Right As Rain (5) Tejeros (4) Race 7- Juliana’s Gold (2) Kid Tayabas (9) Modern Girl (6) WTA (1-7) 1/9-5/2-1-3/1-6/6-5-4/6-5/2-9-6 Pick 6(2-7) 9-5/2-1-3/1-6/6-5-4/6-5/2-9-6 Pick 5(3-7) 2-1-3/1-6/6-5-4/6-5/2-9-6 Pick 4(4-7) 1-6/6-5-4/6-5/2-9-6





Comments