James laglag, fans todo-apela… NADINE-AGA MOVIE, 'DI MA-TAKE NG JADINE


NALUNGKOT ang karamihan sa mga fans nina Nadine Lustre at James Reid sa balitang may gagawing project ang aktres with Aga Muhlach.
Ipinost ng Viva Artists Agency sa Instagram ang naganap na meeting nina Nadine and Aga with the Viva bosses na may caption na: “Meeting for a new project.”
Sa comments section ay ipinahayag ng ilan sa mga fans ang kanilang pagkadismaya dahil ang gusto raw nila ay JaDine project. Ipinangako raw kasi ng Viva Films na may gagawing project ang reel and real-life couple titled Spellbound.
“Sana JaDine movie muna. Nakaka-miss ang JaDine. Nag-aabang lahat ng JaDine fans sa Spellbound movie,” komento ng isang fan.
Ang isang fan naman ay nagagalit na. Aniya, “You said on your statement for PP (Pedro Penduko) withdrawal that the next project will be Spellbound.. We are waiting for that patiently. So, ano ‘to?
Mauuna pa ‘to? O baka naman wala na talagang Spellbound? Sana, sabihin n’yo na lang nang maayos, puro kayo drawing!”
Komento pa ng isa, “This is nice pero nasaan na po ‘yung JaDine project na Spellbound? Hopia na naman po ba? Sabihin n’yo lang naman, eh.”
Reaksiyon naman ng isa pa, “Nadine +Aga Nice one But WE WANT JADINE MOVIE FIRST.”
Mahigit isang taon na ring hindi nagsasama ang JaDine sa isang project. Ang huli pa nila ay ang Never Not Love You na ipinalabas noong Marso, 2018. Pagkatapos nito ay nagkani-kanyang project muna ang dalawa.
Si James ay si Sarah Geronimo ang nakasama sa Miss Granny habang si Nadine naman ay nakaka-dalawang pelikula na minus her boyfriend/love team, ang Ulan at Indak.
Kaya naman naiinip na rin ang kanilang mga fans na mapanood ang dalawa in one project. Ang request nila ngayon ay movie or teleserye raw sana for the pair.
Anyway, may mga fans din namang na-excite sa pagsasama nina Nadine and Aga at natutuwa silang nagkakaroon ng oportunidad ang aktres na makasama ang iba’t ibang aktor.
Samantala, hindi pa naman malinaw sa ngayon kung ano’ng proyekto ang pagsasamahan nina Aga at Nadine dahil wala namang iba pang detalyeng inanunsiyo sa post ng VAA.





Comments