top of page
Pokwang.jpg

Pananakit at pang-aabala ng mga palaboy, lumalala na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 2, 2019
1 min read

Pandurukot, pang-i-snatch at pananakit kapag hindi nabigyan ng limos, ilan lamang ito sa mga pangkarani­wang nararanasan ng mga commuter at motorista sa lansangan, araw-araw.

Kamakailan lamang, nag-viral ang dashcam video ng panghaharang ng lalaki sa babaeng driver at nakahandang mambato kung hindi ito bibigyan ng pera.

Ayon sa post ng driver, bibigyan niya ng barya ang lalaki ngunit, hindi ito tinanggap at humirit ng P100 saka ipinasok ang isang kamay sa bintana. Nang tanggihang bigyan ng P100, isinara ng driver ang bintana hanggang sa maipit ang kamay ng lalaki dahilan para batuhin nito ang windshield at gasgasan ang pinto ng sasakyan.

Hindi na bago ang insidente ng pananakit kapag hindi nabigyan ng limos pero, maraming commuter at motorista ang lalong nabahala kaya tinatawag ngayon ang atensiyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para solusyunan ang ganitong insidente dahil hindi lamang trauma ang naidudulot nito kundi abala rin.

Bagama’t, maraming palaboy na ang nai-rescue sa mga lansangan, patuloy pa ring bumabalik ang mga ito pagkalipas ng ilang araw.

Payo sa mga motorista at commuter, kung makasaksi o mabiktima kayo ng ganitong insidente, agad itong ipagbigay-alam sa mga awtoridad.

Panawagan sa mga kinauukulan, para maiwasan ang pangha-harass ng mga palaboy sa mga bumibiyahe, pagbabantay sa mga lansangan, higpitan!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page