top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAGKAROON NG DALAWANG ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 2, 2019
2 min read

KATANUNGAN

  1. Gusto kong magta­nong tungkol sa aking mga palad, kung nakikita rin ba rito kung ang mag-asawa ay magkakaanak pa?

  2. Three years na ka­ming nagsasama ng mis­ter ko, pero hanggang nga­yon ay hindi pa rin kami nagkaka-baby.

  3. Ang sabi ng doktor na pinagkonsultahan na­min, wala raw may dipe­rensiya sa aming dalawa, kaya niresetahan na lang kami ng vitamins.

  4. Maestro, ano sa ti­ngin ninyo, magkaka­anak pa ba kami, kailan kaya at lalaki o ba­bae ba ang magiging unang baby na­min?

KASAGUTAN

  1. Medyo mahirap ma­kita sa guhit ng palad ang Children Line (Dra­wing A. at B. 1-C, at 2-C) na tinata­wag, pero maaari pa rin itong mahanap.

  2. Una, tingnan mo ‘yung pataas na guhit sa ilalim ng daliring hinliliit sa ibabaw ng Marriage Line (1-M arrow b.); pangalawa, tingnan mo ‘yung mga guhit na paha­lang sa gilid ng mga palad (1-C, at 2-C), sa kaso mo, dala­wang malulusog na Chil­dren Lines (Drawing A. at B. 1-C at 2-C, arrow b. at c.) ang na­kikita sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, da­lawa ang magiging baby ninyo ng iyong mister sa ma­lapit na hinaharap. Lalaki ang una dahil makapal at mas mahaba ang nasa­bing Guhit ng Supling (1-C arrow b.) habang posibleng babae ang ikalawa dahil medyo mani­pis at maikli ang nasabing ika­lawang Guhit ng Supling (2-C arrow c.) sa kaliwa at ka­nan mong palad.

  3. Ang pag-aanalisang magkaka-baby ka na sa ma­lapit na hinaharap ay madali namang kinumpirma ng lag­da mong nagkaroon ng “phallic symbol” sa dulong bahagi. Ang phallic symbol na ito ay ang tila kudlit sa letrang “o” kung saan ang “phallic symbol” na ‘yan kung sa terminong pang-Psy­cho­logy ang pag-uusapan, ‘yan din ang “pe­nis” o ka­sarian ng lalaki. Kaya malamang ngayon pa lang ay nasa­gap na ng un­conscious mong isipan o pagkatao ang ma­bubuong baby sa iyong si­napupunan — malusog at matalinong lalaking sanggol na susundan ng malu­sog at cute na babaeng sanggol.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Violy, ayon sa iyong mga datos na kinumpir­ma ng Children Calen­dar nin­yong mag-asawa, humigit-kumu­lang sa kalagitnaang bahagi ng taong 2020, wa­lang duda, mabubuntis ka na upang pag­katapos ng siyam na buwan, tuluyan na ngang isi­silang ang malusog na la­la­king sanggol na ku­kum­pleto at magbibi­gay ng dag­dag na ga­lak at li­gaya sa in­yong mag-asawa.

  2. Pagkatapos, lilipas ang humigit-kumulang dala­wang taon pa, babaeng sanggol na­man ang muling isisilang na kukumpleto sa inyong pa­milya at lalo pang magpa­patibay ng inyong pangha­bambuhay na pagmama­halan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page