Lalo na ngayong madulas ang kalsada, lodi! MGA BAGAY NA DAPAT ALALAHANIN KAPAG NAGMAMANEHO
- Donna Thea Topacio
- Jul 2, 2019
- 1 min read

PARANG love, ‘ika nga, “slow down”kapag nagmamaneho ngayong tag-ulan nang sa gayun ay hindi masaktan, hugot! Gayunman, dahil kaliwa’t kanan ang ating mga nababalitaang disgrasya sa lansangan dahil madulas ang daan, narito ang mga payo para sa mga nagmamaneho ngayong tag-ulan:
1. CHECK THE CAR. Make sure na bago kayo umalis, eh, itsek muna ninyo ang inyong sasakyan kung ayos ba ito dahil mas mahirap mag-adjust kapag madulas ang kalsada kung sakaling magkakaroon ng problema.
2. SLOW DOWN. Ito ang palaging ipinapayo kapag umuulan dahil maraming nadidisgrasya sa pagiging kaskasero, mga beshy! Kaya ngayong tag-ulan, dahan-dahan lang, oks ng maging late, ‘wag lang madeds. Gets?
3. DON’T DRIVE WHEN DRUNK OR SLEEPY. Kung nakainom ka o inaantok, makabubuti kung ipagpapaliban mo muna ang pagmamaneho dahil baka ito pa ang maging dahilan para mapahamak ka sa daan. Okie?
4. BE PATIENT. Iwasan ang pagsiksik o pag-o-overtake, lalo na sa mga lodi natin diyan na naka-motor. ‘Ika nga, be patient dahil makararating ka rin sa pupuntahan mo at kung sakaling ma-late ka, for sure, marami kayo. He-he-he!
5. AVOID PLACES WITH FLOOD. Umiwas ka sa mga lugar na may baha para hindi ma-stranded, lalo na ngayong kaunting ulan lang, eh, binabaha na ang kalsada kahit na ‘yun matataas na lugar pa.
Oh, ayan, mga beshy, make sure na susundin ninyo ang mga tip na ito para maging ligtas kayo sa pagmamaneho.
Keep safe, mga ka-BULGAR!
Okidoki?





Comments