Sundalo at angkas patay sa aksidente
ZAMBOANGA DEL SUR—Isang sundalo at angkas nitong babae ang namatay nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus ang kinalululanan nilang motorsiklo, kamakalawa sa national highway sa bayan ng Labangan sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga biktima na sina Army Pvt. Elmae Indangan at Niezel Zacares, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng bus na minamaneho ng hindi pinangalanang driver kaya aksidenteng nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mga biktima.
Dinala pa ng mga saksi sina Indangan at Zacares sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.





Comments