Para sa mga magulang na natotorete riyan, read n‘yo ‘to! 5 TIPS PARA MA-HANDLE ANG MGA GAWAING-BAHAY

BAGAMA’T, nagsimula na ang pasukan, siguradong marami ang hindi pa nakapag-a-adjust kung paano pagsasabay-sabayin ang mga gawaing- bahay at pag-aasikaso kay bagets. No worries dahil we got you, mamshies! Chill lang kayo riyan dahil narito na ang ilang tips para matapos ang inyong mga gawain:
1. HAVE A WEEKLY PLAN. Para matapos ang pang-araw-araw na mga gawain, dapat mo itong planuhin. Mula sa paglilinis ng bahay, paghahanda ng baon at mga kailangan ni bagets at iba pang gawaing-bahay. Sa pagpaplano, isipin mong mabuti ang mga bagay na dapat mong tapusin sa bawat linggo. Sa ganitong paraan, mas madali mong mababalanse ang iyong oras.
2. DO CHORES WHEN THE KIDS ARE NOT AROUND. Habang nasa paaralan sina bagets, perfect timing ito para tapusin ang iba pang gawaing- bahay tulad ng paghuhugas ng mga pinggan, paglalaba at paghahanda ng tanghalian o hapunan.
Bukod sa mga gawaing- bahay, puwede ka ring mag-“me time” o mag-relax habang nasa school sina bagets. He-he-he!
3. SCHEDULE LAUNDRY. Sa paggawa ng weekly plan, mabuting isama rito ang paggawa ng schedule ng labada. Halimbawa, ang mga uniform tuwing weekend at mga pambahay o iba pang uri ng damit sa weekdays.
Samantala, mabuting gawin ang pagpaplantsa ng mga damit tuwing weekends para nakahanda na ito bago magsimula ang linggo.
4. TEACH THE KIDS TO DO CHORES. For sure, mahirap magbantay kina bagets kung may mga kailangan tayong tapusin na gawain. Kaya mamsh, turuan ng mga simpleng gawain sina bagets tulad ng pagliligpit ng kanilang pinagkainan, pagwawalis at pag-aayos ng kanilang kama.
Sa ganitong paraan, makatutulong sila, gayundin, masisiguro mong nababantayan mo sila habang abala ka sa gawaing-bahay.
5. DO WHAT YOU CAN-IN ADVANCE. ‘Ika nga nila, hindi ka lang dapat advance mag-isip, dapat ay advance ka ring kumilos. Halimbawa, bago matulog sa gabi, ihanda mo na ang mga gamit ni bagets tulad ng uniporme, gamit sa iskul at iba pa.
Bukod pa rito, puwede mo ring gawin nang paunti-unti ang mga gawaing-bahay. Sa ganitong paraan, hindi ka matatambakan ng mga gawain.
Mga mamsh, huwag na kayong mai-stress dahil hindi ito nakatutulong. Ang pag-a-adjust ay may proseso at hindi dapat madaliin.
Gayunman, mag-focus tayo sa mga dapat nating gawin hanggang sa tuluyan tayong makapag-adjust.
Copy?





Comments