top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kinakausap ang bagong kinakasama ng ex-BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 1, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Charlotte ng Charlotte_Pac­quiao @f acebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na na­­kausap ko ‘yung ba­gong kinakasama ng ka-live-in ko dati.

Marami siyang sina­sabi sa akin, pero ang naalala ko lang ay si­nabi niya na gusto niya at gusto rin siya ng ex ko.

Pagkatapos naming mag-usap, bigla siyang nawala at nakakita ako ng puno na walang da­hon, pero maraming isda.

Naghihintay,

Charlotte

Sa iyo Charlotte

Para malinaw, ang dati mong kinakasama ay may bagong kinakasama at sa panaginip mo ay kausap mo ang babae niya, pero sa tunay na buhay ay hin­di mo pa siya nakikita.

Marami kang tanong sa kanya, pero ang naa­alala mo lang ay ang si­nabi niya na may gusto sa kanya ang dating ka-live-in mo at siya rin ay may pagtingin sa ex mo.

Bilang pagtatapat sa iyo, ang babae sa panagi­nip mo ay ikaw mismo da­hil sa mundo ng mga pa­na­ginip, ang napanagi­ni­pan ay sinisimbolo rin ng nanaginip. Kaya siya at ikaw ay iisa lang.

Ang payo ng iyong pa­naginip ay kausapin mo ang iyong sarili. Hu­wag kang mahiya dahil ang la­hat ng tao ay tala­gang ki­na­­kausap ang ka­nilang sarili.

Ibinabalita ko sa iyo na ang taong nagtagumpay sa kanilang napiling la­ra­ngan ay ang madalas na ki­nakausap ang kanilang sarili.

Ibabalita ko rin sa iyo na ang mga nabigo sa bu­hay ay madalang na kina­kausap ang kanilang sarili, pero, alam mo, pagkata­pos na maranasan nila ang masakit na kabiguan, ma­kikita na kinakausap nila ang kanilang sarili. Hindi magtatagal, muli silang magkakaroon ng lakas ng loob na harapin ang mga hamon ng kapa­laran at ang kabiguan ay tatakas na sa kanilang ha­rapan at ma­laki na ang tsan­sa nila na mag­tagumpay.

Muli, kausapin mo ang iyong sarili, huwag kang mag-isip ng nega­tibo dahil tulad ng nasabi na, pang­karaniwan lang na kina­kausap ng tao ang kan­yang sarili.

Ang puno sa panagi­nip ay mismong buhay ng nanaginip at ang isda, noon pa man ay binabang­git na natin na simbolo ng masa­ganang buhay.

Dahil dito, ayon sa pa­naginip, ang kasaganahan ay mapasasaiyo dahil na rin sa maaaring hindi ka maniwala, pero ang lan­das ng masaganang bu­hay ay ituturo mismo sa iyo ng kapalaran.

Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page