HOROSCOPE | Hulyo 01, 2019 (Lunes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 1, 2019 (Lunes): Ikaw ang taong napakalakas ng kutob. Makita mo pa lang ang tao, alam mo na kaagad kung siya ay masama o mabuti. Ang iyong kutob ay mapakikinabangan mo rin sa sugal.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin kang muli ng iyong damdamin. Kahit pa tama ang sinasabi ng iyong isip, hindi mo pa rin ito susundin. Pero, huwag kang mag-alala, ang kapalit nito ay kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-19-20-39-40-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang patatangay sa mga negatibong pananaw. Mas magandang ituloy mo ang gusto mong gawin. Kapag hindi mo nakuha, muli mong gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-25-39-40-43.
GEMINI (May 21- June 20) - Bigyang-pansin mo ang nagpapahalaga sa iyo. Hindi mahalaga kung maiksi lang ang oras na iuukol mo, ang importante ay napasaya mo ang nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-12-24-30-35-41.
CANCER (June 21- July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ang sinumang sumalungat sa mga kagustuhan mo ay langit mismo ang makababangga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-20-29-30-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magdahan-dahan ka. Sa pagdahan-dahan, mas makikita mo nang malinaw ang dapat mong gawin. Makapagpaplano ka at maiiwasan mo ang mga kabiguan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-21-25-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Yakapin mo nang mahigpit ang mga makalumang aral na pamana sa iyo ng nakatatanda. Ang huwag na huwag mong yayakapin ay ang mga makabagong panuntunan sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-16-25-27-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ilapit mo ang iyong sarili sa nag-aakalang mahirap kang maging kaibigan. Mula sa pakikipagkaibigan, kung iyong babalikan ang nakaraan, ikaw ay nakikinabang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-33-39-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang maniwala sa isip mo kapag negatibo ang laman nito. Paniwalaan mo ito kapag positibo. Madalas, dinaraya ng isip ang tao kaya siya ay hindi umaasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-21-25-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Buksan mo ang iyong damdamin. Ito ang susi ng kaligayahan para sa lahat ng tao. Ang saradong damdamin ay susi sa kawalang kaligayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-29-30-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaya ka kaya huwag kang magpapaalipin kahit kanino. Ikaw dapat ang may karapatan para kontrolin ang buhay mo. Hindi ka dapat maging sunud-sunuran sa iba. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-18-24-35-40-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iimpluwensiyahan ka ng dominante. Bakit ka papayag? Dapat siya ang iyong maimpluwensiyahan. Paano? Akitin mo at tiyak na makukuha mo ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-17-24-26-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka ngayon. Para malalaki at marami ang mapasaiyong suwerte, ipamigay mo sa malalapit sa iyo ang mga ayaw mo na at matagal mo nang hindi ginagamit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-15-22-26-34.




Comments