Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA MGA DASAL LABAN SA KASAMAAN
- BULGAR

- Jul 1, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan sa email ni Jessie ng Jessie_Dark_Star@ facebook.com
Sa iyo Jessie,
Noong nakaraan, binanggit natin na ang pinakamagandang basehan ng kulam ay ang Bibliya. Ito ay kahit na napakaraming iba’t ibang relihiyon, lahat ay nagsasabing, kung ano ang nakasulat sa Bibliya ay totoo.
Ito ay dahil ang lahat din ay naniniwala na ang Bibliya ay ang Salita ng Diyos.
Sa ganitong katotohanan, mababasa sa Bibliya na isinangguni ni Haring Saul ang mangkukulam para ibalik si Samuel na matagal nang patay. Kaya ang mangkukulam at si Haring Saul ay pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing si Samuel at nakasulat dito na ibinalik ng mangkukulam ang kaluluwa ni Samuel.
Mismong sa Bibliya, sinasabi na si Samuel ay nagbalik mula sa mundo ng mga patay kung saan pinatitibay nito na ang mangkukulam ang nagpabalik sa kaluluwa ni Samuel.
Letra-por-letra, sobrang malinaw, kahit sino, puwedeng tingnan ay basehan ang nasusulat sa Bibliya.
Dahil dito, sobrang linaw na talagang may mangkukulam dahil kinukumpirma sa Bibliya ang katotohanan na may mga mangkukulam. Paano lalaban ang mangkukulam o pagagalingin ang kinulam?
Una, kailangan ng lalaban sa mangkukulam na alam na alam niya sa puso ang dasal na sumasampalataya dahil ito ang pinaka-powerful na prayer laban sa kampo ng kasamaan. Hinihikayat din na kahit hindi panlaban sa kulam ang lahat ng naniniwala kay God ay dapat i-memorize ang dasal na ito.
Marami ang naniniwala na ang dasal na Latin ang pinakamabisa dahil dito, naririto ang orihinal na sumasampalataya sa wikang Latin.
Symbólum Apostolórum / Ang Sumasampalataya.
Credo in Deum Patrem omnipotentem, Creatorem caeli et terrae. Et in Iesum Christum, Filium eius unicum, Dominum nostrum, qui conceptus est de Spiritu Sancto, natus ex Maria Virgine, passus sub Pontio Pilato, crucifixus, mortuus, et sepultus, descendit ad infernos, tertia die resurrexit a mortuis, ascendit ad caelos, sedet ad dexteram Dei Patris omnipotentis, inde venturus est iudicare vivos et mortuos. Credo in Spiritum Sanctum, sanctam Ecclesiam catholicam, sanctorum communionem, remissionem peccatorum, carnis resurrectionem, vitam aeternam. Amen.
Dasalin ang sumasampalataya, kailangan munang mag-sign of the cross at pagkatapos nito ay dasalin ang mga sumusunod:
In nomine Patris, et Filii, et Spiritus Sancti. Amen.
Gayunman, ang dasal na English version ay puwedeng-puwede rin dahil ngayong moderno na ang mundo ay nauunawaan na ng mga tao ang wikang English na dasal. Kung ang mga Pinoy ay nakasanayan ang dasal sa wikang Tagalog, puwedeng-puwede rin na ito na mismo ang dasalin laban sa kulam.
Good luck and God bless!




Comments