top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

2 kelot nilikida ng riding-in-tandem

  • Pabs Hernandez III
  • Jul 1, 2019
  • 1 min read

COTABATO CITY—Dalawang lalaki ang namatay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Poblacion 4 sa lungsod na ito.

Ang mga biktima ay ang magkamag-anak na sina Arnold at Christopher Chavez, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na naglalakad umano ang mga biktima nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad silang pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa mga biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page