Most wanted criminal tiklo
Pabs Hernandez III
Jun 30, 2019
1 min read
WESTERN SAMAR—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Cabacungan, Calbayog City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Francisco Campillo, residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Campillo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa mga kinahaharap nitong iba’t ibang uri ng kaso sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban si Campillo nang dakpin ito ng pulisya sa nasabing barangay.





Comments