top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAGING MALIGAYA SA RELASYONG HINDI PANGMATAGALAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30, 2019
  • 3 min read

KATANUNGAN 1. Magsasampung taon na ang nakararaan nang mabundol ng kotse ang minamanehong motorsiklo ng mister ko at dahil inareglo ang kaso, nakakuha ako ng pera kahit paano at ‘yun ang ginamit kong puhunan sa itinayo kong negosyong tindahan sa palengke at naging maayos ang buhay namin ng mga anak ko na naiwanan niya sa akin at ngayon ‘yung panganay ko ay graduate na ng college at may trabaho na habang ‘yung bunso ko ay malapit na ring makatapos ng college.

2. Ang itatanong ko, Maestro, ay tungkol sa love life ko. May nanliligaw sa akin na binata. Gusto ko siya, pero natatakot ako na baka kung kailan ako nagkakaedad at may kaunti nang naipundar ay malasin pa ako sa ikalawang pag-aasawa. Ano sa palagay ninyo, puwede na po ba akong mag-asawang muli at sa ikalawang pag-aasawa kaya susuwertehin na ako?

KASAGUTAN 1. Ayon sa ikalawang nabiyak na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, tunay ngang sa ikalawang pagkakataon, makapag-aasawa ka na, ngunit, mga isa hanggang dalawang taon lang magiging maligaya ang inyong pagsasama dahil pagdating ng tatlo hanggang apat na taon, bagama’t, hindi ka na mababalo tulad ng dati, ang maaaring mangyari ngayon ay posibleng hindi ka maging successful, bagkus, magkakahiwalay din kayo ng lalaking mapapangasawa mo.

2. Ang pag-aanalisang mas mabuti pang huwag ka na lang muling mag-asawa dahil wala ka talagang suwerte sa pag-ibig at pakikipagrelasyon sa ka-opposite sex ay madali namang kinumpirma ng magulo at may malaking bilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) na parang nabiyak na hindi mo maintindihan (arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung maligaya ka ngayon sa piling ng iyong mga anak at nalilibang ka naman sa iyong negosyo, tulad ng nasabi na, ituring mo ang iyong sarili at italaga mo na ang iyong buhay sa paglilingkod at pag-aaruga sa iyong mga anak at sa mga magiging apo mo at ang pagsikapan mo pang lalo ay ang mapaunlad nang mapaunlad ang inyong kabuhayan hanggang sa yumaman ka nang yumaman. Ito ang siyang ipinagagawa sa iyo ng kapalaran (H-H arrow e.) kung saan sa nasabing mga aktibidad — pag-aaruga sa iyong mga anak at magiging apo at ang pagtutuon ng isipan at enerhiya sa negosyo, tiyak ang magaganap, mas makasusumpong ka nang wagas na ligaya at kapanatagan ng isipan kaysa sa muling pag-aasawa at pagkatapos, kapag naghiwalay na kayo ng lalaking pakakasalan o pakikisamahan mo ay magsisisi ka lang sa dakong huli at sasabihin mo sa iyong sarili “bakit ba nag-asawa pa ako, ano ba itong buhay na napasukan ko”?

3. Pero, siyempre dahil babae ka rin, may puso at nagmamahal, puwede ka pa ring ma-in love, pero hanggang “romantic feeling lang o kaya ay relasyong pasaglit-salit lang” kung saan hindi dapat seryosohin o gawing asawa dahil tulad ng nasabi na, kapag napangasawa mo ang lalaki at inasahan mo na magtatagal at magiging panghabambuhay na ang nasabing relasyon, siguradong bigla at kaagad din siyang mawawala, kaya wala ring kaligayahan sa buhay na mapapala kahit na muli kang mag-asawa o makisama sa iisang bubong sa lalaking kasalukuyan mong napupusuan. MGA DAPAT GAWIN 1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Mystery Girl, kung nabalo o namatay ang una mong asawa (Drawing A. at B. 1-M arrow a..), tiyak na ang magaganap, sa ikalawang pag-aasawa, muli kang luluha at mag-iisa, hindi dahil sa pagkamatay o pagkawala kundi dahil sa hindi ninyo pagkakasundong dalawa na sa dakong huli ay hahantong din sa paghihiwalay (2-M arrow b.).

2. Kaya tulad ng nasabi na, okay lang na umibig at magmahal, pero huwag mong ituring na pang-asawa na ang anumang relasyong darating, bagkus, tulad ng paruparo o bubuyog na dumapo sa bulaklak, magiging maligaya ka rin sa pasundut-sundot at hindi pangmatagalang pakikipag-ugnayan sa taong minsan mo na ring minahal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page