top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Aktor, parang kuya na raw niya… JOSHUA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG PANG-AAHAS NI GERALD KAY JULIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAINIT na pinag-usapan ang hiwa­layan nina Joshua Garcia at Julia Barretto, at sa unang pagka­kataon, nagsalita na ang young showbiz couple tungkol sa breakup rumors nila.

Sa kasagsagan ng kanilang issue, nakikitang magkasama pa rin ang dalawa dahil ginagawa nila ang upcoming zombie movie nilang Block Z.

Sa isang interview ng ABS-CBN showbiz reporter na si MJ Felipe, inamin ng aktor na may pinagdaanan sila ni Julia.

Aniya, “May pinagdaanan lang kami. Normal couple na pinagdaraanan, pero okay kami ngayon. Masaya kami ngayon.”

Sa puntong ito, nilinaw ni Julia na balik muna sila ni Joshua sa pagiging mag-best friend.

Aniya, “For now, babalik muna kami sa pinagsimulan namin. We’re now best of friends. We managed to be the bestest of friends and if the fans are worried, we can assure them that there is nothing to worry about. JoshLia is very much alive.”

Itinanggi rin ng dalawa na third party ang rason ng pagiging mag-best friend ng relationship status nila.

Naging usap-usapan kasi ang pagka­ka-link ni Julia kay Gerald Anderson na naging ka-love team niya sa pelikulang Bet­ween Maybes kasabay ng breakup rumors nila ni Joshua.

Dinepensahan din ni Joshua si Julia at sinabing… “Hindi naman totoo ‘yun. Hindi naman magagawa ni Gerald ‘yun. Parang kuya ko na si Gerald.”

Mukhang malabo rin na magkaroon ng relasyon sina Julia at Gerald dahil alam ng lahat na si Bea Alonzo ang GF ngayon ng aktor.

Itinanggi rin ni Joshua na ang pagiging malapit nila ng isang Kapuso artist ang dahilan ng pagkakalabuan nila ni Julia.

Paliwanag ni Joshua, “Hindi po totoo ‘yun, kaibigan ko lang po ‘yun. Alam n’yo naman po dito sa showbiz, nabibigyan ng kulay lahat.”

Sa kasagsagan din ng interview, nag­kabiruan ang dalawa kung puwede pa rin ba silang makipag-date sa iba ngayong mag-best friend na lang sila.

Ani Joshua, “Malay mo, yayain niya akong makipag-date!”

“Oh my, ako na pala ang manliligaw this time. Ako na ‘yung e-effort, ‘yung magpa-pa-choir!” ang naging sagot naman ni Julia.

Nang tanungin kung ano ang totoong dahilan ng pagiging mag-best friend na lang nila ngayon, ani Joshua, “Bigay n’yo na lang po ‘yun sa amin.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page