Bukod sa paraan ito ng pagpapakita ng affection... PAKIKIPAG-HOLDING HANDS, NAKARE-REDUCE NG STRESS!


NARANASAN mo na ba ang makipag-holding hands, beshy? Uy, aminin! Masarap sa feeling kapag kahawak-kamay mo ang taong mahal mo dahil sa paraang ito, nararamdaman mo kung gaano ka niya iniingatan at pinahahalagahan. Pero, ayon sa mga eksperto, bukod sa isa itong paraan ng pagpapakita ng affection, ang pakikipag-holding hands umano ay nakare-reduce ng stress.
Ayon sa mga eksperto, ang emotional at physical closeness sa taong minamahal mo ay nakare-reduce ng stress level. Sa katunayan, sinabi ng mga researcher na para sa kababaihan kahit larawan lang umano ng kanilang minamahal ang kanilang makita ay nagkakaroon na kaagad ito ng magandang epekto para sa kanila.
Gayunman, ito ay natuklasan ng psychologists mula sa University of California na nag-aral tungkol sa “importance of social relationships and staying socially connected”.
Samantala, para lalong mabusisi ang pag-aaral, naghanap ang mga researcher ng 25 volunteer participants kung saan karamihan sa kanila ay mga estudyante na nasa good relationship for at least six months pataas.
Sa eksperimentong ginawa, sinubukan ng mga dalubhasa na paranasin ng masakit na pakiramdam ang mga kalahok tulad ng pagpapalagay ng tattoo, pagpunta sa dentista at marami pang iba at habang ginagawa sa kanilang ang mga aktibidad na nabanggit hinawakan nila ang kamay ng kanilang mga mahal sa buhay kung saan nakatulong ito para hindi nila masyadong maramdaman ang sakit at nakabawas din ito ng stress na kanilang nararamdaman dahil sa takot.
Samantala, epektibo rin umano ang pagtingin sa litrato at paghalik sa mga anak para ma-reduce ang stress na inyong nararamdaman, kaya kung isa kayo sa mga beshy natin diyan na stress ngayon, knows n’yo na, ha?
Ngayong may bago na tayong nalamang paraan para malabanan ang nakai-stress na buhay, make sure na ibabahagi rin ninyo ito sa mga mahal ninyo sa buhay.
Okidoki?





Comments