Ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa sa climate change
- BULGAR
- Jun 29, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung mayroon bang batas na tumatalakay sa climate change at anong ahensiya ng gobyerno ang nangangasiwa rito? Maraming salamat! — Grace
Dear Grace,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Republic Act (R.A.) No. 9729 o mas kilala sa tawag na “Climate Change Act of 2009” na inamyendahan ng R.A. No. 10174 kung saan ipinahayag sa Section 2 nito ang polisiya ng estado na sistematikong isama ang konsepto ng climate change sa iba’t ibang yugto ng pagbabalangkas ng polisiya, plano sa pag-unlad, diskarte sa pagbawas ng kahirapan at iba pang mga kasangkapan at pamamaraan sa pag-unlad ng lahat ng mga ahensiya at instrumentalidad ng pamahalaan.
Itinatag sa Section 4 ng nasabing batas ang Climate Change Commission, ang ahensiya ng gobyerno na nangunguna sa paggawa ng patakaran na may tungkulin na makipagkoordina, subaybayan at suriin ang mga programa at plano ng gobyerno sa pagkilos upang matiyak ang mainstreaming ng climate change sa pambansa, sektoral at lokal na mga plano at programa sa pag-unlad alinsunod sa mga probisyon ng nasabing batas.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Comments