30 todas, mga iskul isinara dahil sa heat wave
- Jersey Sanchez
- Jun 29, 2019
- 1 min read
UNTI-UNTI nang nagsasara ang mga paaralan sa France dahil sa heat wave kung saan umabot na sa higit 40 degrees Celcius.
Batay sa impormasyon, nasa 50 eskuwelahan na sa Essonne Region ang isinara dahil sa kakulangan ng maayos na air conditioning.
Gayunman, ilan na ang nasawi sa ilang bahagi ng Europe dahil sa nararanasang mainit na temperatura kabilang ang tatlong namatay habang lumalangoy sa dagat sa France dahil sa hydrocution na nauwi sa cardiac arrest at 27 katao na nalunod sa Lithuania.
Samantala, sa Poland, 90 katao na ang nalunod sa mga lawa at ilog sa kalagitnaan ng mainit na panahon.
Nagbabala ang mga awtoridad sa publiko na unti-untiin lamang ang pagtatampisaw sa tubig upang maiwasan ang hydrocution.





Comments