top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kung si Alden, may Kathryn… MAINE AT CARLO, MAGSASAMA SA MOVIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 28, 2019
1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

HINDI lang pala si Alden Richards ang bibida sa isang pelikula ng Kapamilya Network dahil noong Huwebes, opisyal nang inanunsiyo na magsasama sina Maine Mendoza at Carlo Aquino para sa isang pelikula.

Noong Huwebes na rin naganap ang story conference ng pelikulang pagsasa­ma­han nina Maine at Carlo na may titulong Isa Pa With Feelings na ididirehe ni Prime Cruz, na nakilala sa pagdidirek ng Ang Manananggal sa Unit 23B (2016) at Can We Still Be Friends? (2017) movies.

Ayon kay Direk Prime, ang istorya ng pelikula nina Maine at Carlo ay tungkol sa dalawang brokenhearted na nagtagpo.

Ito ang unang beses na magsasama sa pelikula ang dalawa. Kilala rin naman si Yaya Dub bilang fan ng aktor dahil nakipag-selfie ito at ipinost pa sa social media account niya ang litrato nilang dalawa ni Carlo na nilagyan ng caption na: “Puwede mag-fangirl?”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page