top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

This is it, Jodi! KASAL NI JOLO SA BEAUTY QUEEN GF, SA DECEMBER NA SA TATE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

ENGAGED na ang actor-politician na si Jolo Revilla sa GF niyang beauty queen na si Angelica Alita.

Nagsimula ang haka-haka dahil sa singsing na suot ng Binibining Pilipinas 2016 1st Runner-up na makikita sa mga litrato nilang dalawa ni Cavite Vice-Governor Jolo na nai-post sa Instagram account at unang lumabas noong April, 2019.

Walang denial o kumpirmasyon mula kina Jolo at Angelica tungkol sa isyu ng engagement nila.

Naunang na-link ang dalawa nang dumalo ang beauty queen sa birthday celebration ng anak ni Jolo kasama ang buong Revilla family. Kinumpirma naman nila na in a relationship na sila nang mag-post sila ng sweet na mensahe para sa isa’t isa noong Valentine’s Day.

Inaasahan din daw dapat ang pagsali ni Angelica Alita sa Binibining Pilipinas 2019, pero hindi ito dumalo sa screening dahil iba na ang priority ng beauty queen.

Ayon sa balitang inilabas ng PEP.ph, naghahanda na sina Angelica at Jolo sa pag­papakasal nila sa darating na Dis­yembre, 2019.

Isang linggo rin daw nagbakasyon ang dalawa sa Amerika noong nakaraang buwan dahil naghahanap na sila ng lugar na pagdarausan ng kasal nila.

Kung hindi raw magkakaroon ng pag­babago sa plano nina Jolo at Angelica, ma­gaganap ang kasal nila sa Pelican Hill, Newport Beach, Southern California.

Nagustuhan daw ng dalawa ang lugar dahil sa romantic view sa Pelican Hill, kung saan overlooking ang Pacific Ocean at may panoramic views ng canyons at city lights.

Ang Pelican Hill din ang number one resort sa Southern California noong 2013 ng Nast Traveler.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page