Gustong sumakay sa MRT na kulay puti ang paligid

Salaminin natin ang panaginip ni Irene ng Irene_ Irene@facebook.com
Dear Professor,
Noong nakaraan, napanaginipan ko na nasa maHabang kalsada raw ako, as in, okay ‘yung kalsada hanggang sa napunta ako sa maraming tao.
Naglalakad ako at lumayo nang kaunti, tapos, biglang nasa MRT na ako.
Pero, sa MRT, ‘yung mga nasa paligid ko ay puro puti. Pagkatapos, gusto kong sumakay, pero naiilang ako sa suot ko. Ano ang ibig sabihin nito?
Salamat!
Naghihintay,
Irene
Sa iyo Irene,
Sa pagtulog nang mahimbing, hindi mo alam na tumataas ang temperatura ng iyong pisikal na katawan. Ang antas ay malapit na sa temperatura kung kailan naglakbay ang iyong katawan nang hindi nakikita.
Ito ay mahiwagang paraan para matakasan ang init ng pisikal na katawan. Sa ganito, nagaganap ang pagtakas ng tao sa mga pangyayaring hindi niya gusto sa reyalidad.
Medyo mahirap maunawaan kaya ang mas maganda ay du’n tayo mag-usap sa mas madaling maunawaan. Anu-ano ang mga ito?
Sa buhay mo ngayon, nakikita mo, as in, saksi ka sa mga hindi magagandang nangyayari, sa mga masasamang ginagawa ng mga tao, sa mga maling prinsipyo ng buhay na kahit mali ay ‘yun ang nagaganap.
Hindi masaya at maganda dahil ang mga tao ay kumikilos at nabubuhay sa pagkukunwari na sa totoo lang ay masasabing sa mundong iyong ginagalawan, ang lahat ay mga fake lang.
Sa ngayon, alam mo ang solusyon kaya lang, hindi ito ganu’n kadaling isabuhay at ito ay nagsasabing, kapag ang tao ay may malinis na hangarin sa buhay, ang lahat sa kanya ay magiging maganda.
Mahirap man gawin, pero ito ay dapat mong isabuhay, mas magandang maging huwaran ka ng mga tao kaysa mahawa ka at ang buhay mo ay maging fake rin tulad ng buhay nila.
Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo





Comments