top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Pag binago ang Saligang- Batas, para na ring binago ang sistema ng gobyerno, period!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 27, 2019
  • 2 min read

KAPAG BINAGO ANG SALIGANG-BATAS, PARANG BINAGO NA RIN ANG SISTEMA NG GOBYERNO—Atras na si P-Duterte sa Pederalismo o Fede­ral gov’t. at ang isinusulong na niya ngayon ay Charter Change (ChaCha) o pagbabago sa mga nilalaman ng Saligang-Batas.

Ganundin kasi kapag ang mga nilalaman ng Konstitusyon ay binago sa pamamagitan ng ChaCha, parang binago na rin nito ang mga sistema ng gobyerno, period!

◘◘◘

MASAKIT SA MGA MANGINGIS­DANG PINOY ANG DESISYON NI P-DUTERTE NA PAYAGANG MA­NGIS­DA SA WPS ANG MGA CHINESE — Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pinayagan na raw ni P-Duterte ang mga Chinese na mangisda sa West Philippine Sea (WPS).

Masakit para sa mga mangingisdang Pinoy ang desisyong ‘yan ng Duterte gov’t. kasi ang panawagan nila kay P-Duterte ay pagbawalan na ang mga Chinese na mangisda sa karagatang sakop ng Pilipinas tapos ang tugon ng Malacañang ay oks lang na mangisda ang mga mangingisdang Chinese sa WPS, hu-hu-hu!

◘◘◘

SOTTO, TAGILID SA PAGIGING SENATE PRESIDENT?—Ayon kay Sen. Manny Pacquiao, happy daw ang mga senador sa pamumuno ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III sa Senado.

Aba, bakit naungkat na naman na happy ang mga senador kay SP Sotto?

Tila yata hindi pa nakatitiyak si SP Sotto na siya pa rin ang magiging Senate President sa18th Congress kaya nagdadadakdak na naman si Sen. Pacquiao na happy ang mga senador sa pamumuno ni Sotto sa Senado, boom!

◘◘◘

“JUN MORIONES” AT MAG-ASAWANG “RAMON” AT “MEDY”, IPATOKHANG KAYA NI INCOMING MANILA MAYOR ISKO?—Sa panahon ni outgoing Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, namayagpag nang husto ang raket na lotteng ni “Jun Moriones” at mag-asawang “Ramon” at “Medy” sa Maynila.

Tingnan natin kung sa pag-upo ni incoming Mayor Isko Moreno ngayong Hulyo 1, 2019 kung kaya nitong ipatokhang sina “Jun Moriones” at mag-asawang “Ramon” at “Medy”, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page