top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sa wakas! PADIR NI ALDEN, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NAGPAKASAL AT MAY ANAK NA SILA NI MAINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 26, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

TUMAPAK na nga si Alden Richards sa ABS-CBN kahapon para sa digital at video plug shoot to promote Star Cinema’s Hello, Love, Goodbye movie.

Napaka-warm ng welcome kay Alden sa Kapamilya Network. Niyakap siya ni Ms. Olivia Lamasan at ipinakilala kina ABS-CBN Chairman Mark Lopez and ABS-CBN President/CEO Carlo Katigbak.

Nataong may mass sa Star Cinema kaya binless sila ni Kathryn Bernardo ng pari.

Ang cute lang dahil nag-request ang pari ng picture-taking kina Kathryn at Alden.

Si Kathryn din ang nag-welcome kay Alden at sabi “Welcome po, Kapuso” na sinagot ng aktor ng, “Medyo surreal na nandito ako sa ABS.”

Samantala, naging controversial ang tweet ni Mr. Richard Faulkerson, dad ni Alden, na…“This is the truth, wala po akong manugang, walang apo, walang kasal na naganap. Please po. Stop it. Please. Thank you.”

Nakiusap na ang dad ni Alden, pero marami ang nagalit na fans. May gustong bawiin nito ang tweet dahil ‘di raw totoo. Ginamit daw nito ang isyu para mai-promote ang movie nina Alden at Kathryn gayung walang binanggit na movie si Daddy Bae at nilinaw lang ang paulit-ulit na kuwento na kasal na at may anak na sina Alden at Maine Mendoza.

Hindi raw nagsasabi nang totoo ang dad ni Alden. Ibig sabihin, mas tama ang paniniwala ng ilang fans na mag-asawa na sina Maine at Alden?

Ang nakakaloka rito, may ibang fans na sa kuwento ng kapwa fans pa rin naniniwala kahit pinabu­laanan na ni Daddy Bae.

Para lang matapos na ang issue, nagsalita na si Daddy Bae kahit alam niyang maraming magagalit sa kanya at may mga nagbanta pang ibo-boycott ang Hello, Love, Goodbye.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page