Mega, todo-puri sa padir niya sa socmed… FRANKIE, 'DI MA-TAKE ANG LAMBINGAN NINA SHARON AT KIKO,
- BULGAR

- Jun 26, 2019
- 2 min read

MARAMI ang natuwang netizens nang biglang nag-post si Sharon Cuneta ng mga papuri at pagmamahal para sa asawang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.
Bihira nga naman kasing mag-post si Shawie patungkol sa kanyang mister at alam din naman niya ito.
“I haven’t posted many things about my hubby. I thank God that he has remained committed to our marriage and our family no matter how many trials we have had to face.
“Kiko is a good man. A team player. He has a pure heart. And the utmost faith in God. Even if I want to murder him sometimes (hahaha!), I actually feel blessed that I am married to him.
“And he is the most fantastic father kahit masungit at nakakatakot minsan! I love you, Sumpart!” ang nakasaad sa caption ni Megastar sa ipinost niyang quote card.
Ang daming nag-like at nag-comment sa post at isa na rito ang anak nilang si Frankie Pangilinan na may nakakatawang komento.
“Geez guys get a room,” komento ni Frankie na ikinaaliw din ng mga netizens.
Actually, noon pa ay marami na ang nagtataka kung bakit nga bihirang mag-post si Sharon about Sen. Kiko at ang tanong nga lagi nila, bakit daw puro Korean crushes niya ang kanyang ipino-post or ‘di kaya naman ay ang mga ex-boyfriends niya. It could be remembered na nababatikos nga rin si Megastar ng mga netizens dahil dito.
Kaya naman super happy ang mga fans and followers niya sa “tribute” niya sa asawa.
“At last... because very seldom or almost never you posted some kind of appreciation or good things about Mr. Kiko! I believe he is a good man and a disciplinarian...” komento ng isang netizen.





Comments