top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mag-asawang tulak timbog

Pabs Hernandez III
Jun 26, 2019
1 min read

ISABELA—Inaresto ng pulisya ang mag-asawang drug pushers, kamakalawa sa Bgy. Nabbuan, Santiago City sa lalawigang ito.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Jerry at April Labarias, kapwa residente sa nabanggit na barangay.

Nabatid na nakakumpiska ang mga tauhan ng pulisya ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mag-asawang suspek.

Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page