Lasing dedbol sa lunod
Pabs Hernandez III
Jun 26, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang lasing ang namatay nang malunod habang naliligo sa swimming pool ng resort sa Bgy. Poblacion East, Aliaga sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Randy Jamuda, nakatira sa Bgy. Emiliano sa nasabing bayan.
Nabatid na hindi napuna ng kanyang mga kaibigan si Jamuda na naligo sa swimming pool at dahil sa labis na kalasingan ay nalunod ang biktima.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang insidente.





Comments