top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kabataan, turuang ‘wag maloko ng investment scam

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 26, 2019
1 min read

Sa hirap ng buhay ngayon, walang choice ang marami kundi isugal ang kakarampot na pera na mayroon sila.

Kaya naman kung minsan, ang perang pam­bili ng pagkain ay nagiging bato pa.

Kaugnay nito, isinusulong ngayon ang paglalagay ng fi­nancial literacy sa curriculum ng high school.

Ito ay matapos pumutok ang panibagong isyu ng invest­ment scam na nakakuha ng halos P50 bilyon sa mga naloko nito.

Madalas na naloloko ng mga ganitong uri ng scam ang mga nasa malalayong lugar dahil sa kakulangan ng kaala­man at impormasyon sa mga investment scheme.

Dahil karamihan sa mga magtatapos ng senior high ay siguradong magtatrabaho na, dapat umano itong talakayin sa antas na ito, partikular sa mga probinsiya.

Walang masama sa pag-i-invest kung para ito sa kina­bukasan ng pamilya ngunit, paalala sa publiko, kung hindi maintindihan kung saan mapupunta ang inyong pera, huwag nang ituloy ang pag-i-invest at kung may pagdududa, magtanong sa mga eksperto.

Hindi na bago ang isyu ng investment scam sa bansa kaya upang hindi na ito makapanloko pa sa mga susunod na he­nerasyon, mabuting pag-aralan ito hangga’t maaga dahil ‘ika nga nila, lamang ang may alam!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page