HOROSCOPE | Hunyo 25, 2019 (Martes)
- BULGAR

- Jun 25, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 25, 2019 (Martes): Yayaman ka sa pagnenegosyo. Hindi ka magtatagal sa pamamasukan dahil tulad ng nasabi na, sa pagnenegosyo ka aasenso.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malaki ang posibilidad na dumami ang kita mo. Simple lang ang gawin mo, makipagsapalaran ka, kumbaga, huwag kang maduwag. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-29-35-42-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gusto ng langit ang sumaya ka. Sundin mo ang kalooban ng nasa itaas nang sa gayun ang iyong mga kahilingan ay kanyang pagbibigyan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-20-25-30-32.
GEMINI (May 21- June 20) - Nakatutuwa ang mga nakagawa sa iyo ng pagkakamali Pinagbigyan mo sila, pero hindi sila makatatakas sa batas ng karma na kapag mali ang ginagawa, aani rin ng maling kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-23-27-31-37.
CANCER (June 21- July 22) - Huwag mong gamitin ang bagay na kupas na ang kulay dahil ngayon at sa iba pang mga araw, ang gagamit ng may kislap ay gaganda ang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-19-20-25-34-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ngayon ang panahon ng pamamahinga sa pagkita ng pera. Ang totoo, ngayon ang takdang panahon para mas paramihin mo pa ang laman ng kaban ng iyong kayamanan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-25-30-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mangutang. Ang nagpapautang ang nagsisiyaman. Huwag kang tumulad sa marami na masabi lang na may negosyo, pero baon sa utang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-24-30-35-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglaan ang paglakas ng gayuma mo. Mapapansin ang nakaaakit mong mga kilos at ang tinig mo ay mas lumambing ang dating. Pag-aralan mo kung paano mo mapakikinabangan ang gayuma mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-16-27-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang matakot na magdagdag ng puhunan. Ang iwasan mo ay ang magamit sa personal na bagay ang mga kinikita mo. Ito ang payo ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-13-16-21-26-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masaya kang kumikilos, kaya mahahawa sa iyo ang mga nasa paligid mo. Ito ay magandang senyales na nagsasabing, mapabibilis ang ginagawa ninyong proyekto. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-14-17-22-29-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Walang mawawala sa iyo kapag sinunod mo ang payo na isuot mo ang iyong alahas kahit nasa bahay ka lang. Ang totoo, may madaragdag sa iyo dahil susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-15-23-28-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka ngayon. Hindi mahalaga kung naniniwala ka o nag-aalinlangan. Noon pa nagpasya ang langit at ito ay hindi na mababago kung saan magiging mapalad ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-19-20-27-35-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na parang napasaiyo na ang kahilingan mo sa langit. Ito ay makabagong pormula na nagsasabing, ang mga kilos na positibo ay nagkakatotoo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-15-21-28-37.




Comments