top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di na raw masaya… WILLIE, PINAGBEBENTA NA ANG MGA LUXURY CARS AT RELONG WORTH P5 MILLION PLUS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 25, 2019
  • 2 min read

INALAW namin ang Wowowin host na si Willie Revillame sa kanyang dressing room sa Studio 6 ng GMA-7 last week.

Yayamanin ang mga gamit ni Kuya Wil sa dressing room, pero huwag ka, naka-simpleng white t-shirt at shorts lang ang TV host at hindi mo iisiping nag­mamay-ari siya ng mansiyon, hotel, build­ing, yate, chopper, luxury cars at kung anu-ano pang branded stuff.

Sabi ni Kuya Wil, iba na ang pananaw niya ngayon sa buhay. Kung dati, dahil galing siya sa hirap nu’ng bata pa siya, natural, naging sobrang maligaya siya nang mabili lahat ng gusto niyang matikmang luho.

Pero ngayong nagkaedad na raw siya, na-realize niyang hindi na pera o anumang materyal na bagay ang nagpa­paligaya sa tao.

In fact, ibinenta na nga raw niya ang ilang sports-luxury cars niya at nagtira na lang ng ilan na magagamit niya. Katwiran niya, nasasayang lang ang mga ito na nakadispley lang at bihira naman niyang magamit.

Kahit nga raw ‘yung Patek Philippe wristwatch niya na worth P5 million plus ay ibinenta na rin niya dahil parang nagi-guilty siya na milyones ang suot niya habang ang daming naghihirap ngayon.

Pag-amin ni Kuya Wil, nahe-hurt din siya ‘pag naba-bash sa social media at sina­sabihang ang yabang-yabang niya at feeling niya siya lang ang mayaman kapag napi-feature ang mga properties niya sa mga magazines.

Kaya ngayon, kahit pa may bagong acquired na private resort si Kuya Wil sa Puerto Galera, ayaw na niyang puma­yag na ilabas pa ito sa mga babasahin o kahit sa social media dahil matindi na raw ang bashing ngayon.

Ibang-iba na talaga ang pana­naw ni Kuya Wil at sabi nga niya, ang nagpapasaya na sa kanya ngayon ay ‘yung makasama araw-araw ang mga simpleng tao na nanonood ng kanyang show sa studio. ‘Yung marinig lang niya ang malu­lungkot na kuwento ng buhay ng mga ito ay nagpa­palakas na ng loob niya, dahil du’n niya nakikita kung gaano siya pi­nagpala at ‘yung blessings na natatanggap niya ang gusto rin niyang ibalik sa mga nagma­mahal sa kanya.

Tama naman. Good thing na tahimik na ang buhay ngayon ni Kuya Wil at wala na ring mga intrigang ibi­nabato sa kanya, ‘di tulad noon na bawat kilos niya ay may nasasabing masama ang mga tao.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page