top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

AIR FORCE, KAMPEON SA BASEBALL LEAGUE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 25, 2019
1 min read

UMISKOR ang Philippine Air Force ng kabuuang pitong runs upang maigupo ang Thunderz All Star, 7-4 at makamit ang titulo ng 2019 Philippine Baseball League Open noong Linggo ng hapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Walang palitan ang beteranong national team pitcher na si Romeo Jasmin sa kanyang paghagis sa loob ng pitong innings kung saan nagbigay ang dating Adamson University standout ng siyam na hits na binawi naman niya sa pagpapako ng walong tao sa kanilang mga bases.

Nakalalamang sa iskor na 3-0 papasok ng third inning, rumatsada ang Air Force at umiskor pa ng apat na runs dahil sa mga errors ng shortstops ng Thunderz upang palobohin pa ang kalamangan sa 7-0.

Sa unang laro, iginupo ng Adamson Soaring Falcons ang kanilang UAAP rival National University Bulldogs, 4-2, para sa bronze medal. Namuno sina right fielder Patrick Espinosa at Lexter Carandang sa nasabing panalo ng Falcons na inaasahang makakatulong ng malaki ang kanilang naging kampanya sa PBL sa darating na UAAP Season. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page