'Di matiis na 'di makita ang BF… SARAH, PANAY ANG DALAW KAY MATTEO SA KAMPO
- BULGAR

- Jun 24, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KASALUKUYANG nasa loob ng Scout Ranger Camp sa San Miguel, Bulacan ang aktor na si Matteo Guidicelli at 98 pang scout rangers para sa kanilang 45 days training bilang mga army reservists.
Sinuportahan naman siya ng pamilya at ng GF niyang si Sarah Geronimo.
Pero para hindi masyadong ma-miss ni Popstar Princess ang kanyang BF, binisita niya ito noong June 6 kasama ang pamilya ng aktor.
Mukhang miss na miss talaga ng singer ang kanyang BF dahil nasundan pa ang pagbisita nito noong June 15. Kaya ang hula tuloy ng mga fans, once a week puwedeng bisitahin ang aktor sa Camp Tecson.





Comments