Traffic enforcer tiklo sa boga
Pabs Hernandez III
Jun 23, 2019
1 min read
CAMARINES SUR—Isang traffic enforcer ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa Bgy. Sabang, Naga City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Arnulfo Fausto, residente ng naturang barangay.
Nabatid na baril at mga bala ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Fausto na nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions.





Comments