top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pati sports nilalamon ng korupsiyon, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 23, 2019
2 min read

NAGBITIW bigla ang presidente ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Ricky Vargas.

Hindi niya ma­sik­mura ang korupsiyon sa sports!

◘◘◘

SA totoo lang, isa ang sports na batbat ng korup­siyon dahil ang pondo ng gobyerno ay nilulustay kakutsaba ang mga “national sports association” (NSA) president na almost lifetime sa kanilang posisyon.

Marami nang deman­­da­han sa SEC at korte sa iba’t ibang NSA dahil nais makontrol ang liderato na kakutsaba sa paglustay ng sports fund!

◘◘◘

WALA na si Vargas, sino kaya ang may kaka­yahang linisin ang Olympic body?

Sa ngayon, nagsisilbing POC Chairman si Rep. Bambol Tolentino.

Kasangga ni Vargas si Tolentino sa paglilinis ng POC, maipagpatuloy kaya niya ito?

◘◘◘

BALAK ni Tolentino tumawag ng special POC Election na lalahukan ng presidente ng bawat NSA.

Itinakda ang eleksi­yon ngayong Hunyo 25 upang makapili ang general assembly ng bagong POC president!

◘◘◘

SA ilalim ng Article 7, Section 6 ng POC Bylaws, maaaring magpatawag ng eleksiyon ang chairman sa loob ng 30 araw mula nang mabakante ang posisyon ng presidente kung ang dalawang vice-presidents ng POC ay hindi kuwalipi­kado na umupong presi­den­te ng organisasyon.

Ayon sa POC Bylaws, ang presidente ng POC ay dapat kasaluku­yang presidente rin ng Olympic Sport-National Sports Association!

◘◘◘

DAPAT ang POC president ay hindi bababa sa apat na taong experience bilang NSA president ng Olympic sport sa panahong siya ay maihalal na presidente ng POC.

Dapat din siyang aktibong miyembro ng POC General Assembly sa dalawang magkasu­nod na taon at dapat nai­halal mula sa kasaluku­yang hanay ng mga presidente ng NSA-Olympic Sport!

◘◘◘

Si 1st Vice-President Jose Romasanta ay vice-president lamang ng NSA-volleyball, samantalang, si 2nd VP Antonio Tamayo ay presidente ng NSA-soft tennis na hindi Olympic sport.

Kaya malinaw na hindi kuwalipikado ang dalawang ito na maupo bilang presidente ng POC!

◘◘◘

Dapat gampanan ni Tolentino ang pagpapa­ta­wag ng eleksiyon para sa bagong presidente ng POC.

Magsisilbing host ang Pilipinas ng Southeast Asian Games (SEAG) ngayong Nobyembre kaya kailangang mag­karoon ng mahusay na lider ang POC!

◘◘◘

NAGSISILBING chairman ng Philippines Southeast Asian Games Organizing Committee (PSAGOC) si Rep. Alan Peter Cayetano ng Taguig.

Sinisikap nilang maging “best hosted and most viewed” ang SEA Games ngayong taon sa Pilipinas!

◘◘◘

MAHALAGANG magtulungan sina Caye­tano at Tolentino para sa ikatatagumpay ng biennial meet.

Ito rin ang pagkaka­taon para malinis ang larangan ng sports sa bansa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page