FERRER, MERCADO AT CRUZ, NANAMBAK SA NORTHPORT


SUMALO sa top spot ng team standings ang NorthPort Batang Pier matapos nilang tambakan ang Blackwater Elite, 127-99 kagabi sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Nangamada ang tatlong bagong miyembro ng Batang Pier upang ilista ang 7-1 baraha at saluhan sa tuktok ang TNT KaTropa.
Nagtala si Kevin Ferrer ng 23 points, anim na assists at limang rebounds habang nag-ambag sina Jervy Cruz at Sol Mercado ng tig-16 at 14 markers ayon sa pagkakasunod.
Ipinaramdam agad ng Batang Pier ang kanilang lakas sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 15-point lead, 54-39 sa halftime.
Hindi nagbago ang laro ng NorthPort sa third canto, lumubo ang kanilang lamang sa 21 pts., 86-65 papasok ng fourth quarter.
Sa playoff period, ipinagpatuloy ng Batang Pier ang kanilang pananagasa upang makuha ang pang seventh win.
Samantala, kikilatisin ng NLEX Road Warriors ang nagpalakas ng lineup na Barangay Ginebra Gin Kings pagsalpok nila ngayong ala-6:45 ng gabi sa Batangas Coliseum.
Nagdagdag ng matinding armas ang Gin Kings nang hugutin nila si Stanley Pringle mula sa NorthPort.
Tumawid si 32-year-old Pringle sa bakuran ng Gin Kings kapalit sina veterans Sol Mercado at Jervy Cruz at young gun, Kevin Ferrer.
Galing sa panalo ang Road Warriors kaya marahil ay sasandalan ito ni coach Yeng Guiao upang manatiling may tsansa sa susunod na phase.
“It’s an out-of-town game and we have to prepare hard especially as Stanley (Pringle) is already playing for them as I understand,” saad ni Guiao.
Nasa ilalim ng team standings ang NLEX na may 1-6 karta.“Kahit papaano, it’s something positive to pin our hopes on, baka mag milagro pa,” ani Guiao. Magtatapat naman sa unang laro ang Columbian Dyip at Rain or Shine sa alas-4:30 ng hapon. (ATD)
Mga laro ngayon: (Batangas City Coliseum) 4:30 p.m. - Columbian vs Rain or Shine 6:45 p.m. - Bgy. Ginebra vs NLEX 54-39 NorthPort





Comments