Confirmed! VIDEO NG PAG-AMIN NI ION NA MAHAL NIYA SI VICE, VIRAL SA SOCMED
- BULGAR

- Jun 23, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NAGLABAS si Vice Ganda sa kanyang YouTube Channel last Wednesday (June 19) ng mga nakakatuwang tanong sa mga kasamahan sa It’s Showtime habang sila ay nasa wardrobe room.
Ang mga nakasama niya sa vlog ay sina Stephen Robles, Ate Girl Jackie Gonzaga, Kuya Escort Ion Perez, etc..
Tinawag ng Unkabogable Star ang laro nila na “Kuryentanong”.
Pawang kalokohan ang mga tanong ni Vice kay Stephen, tulad ng “Nag-feminine wash ka ba? Nag-toothbrush ka ba?”
Nang muling tanungin ni Vice si Steph kung may nararamdaman na raw ba ito sa anak-anakan niyang si Ryan Bang, mabilis na sumagot ang dalaga ng “Oo.”
Naglulundag sa tuwa si Vice.
Nakakakilig naman ang tanong niya kay Ion kung saan nagtilian ang mga nakapaligid kay Vice.
“Mahal mo ba ako?” tanong ni Vice sa rumored boyfriend.
“Oo,” ang diretsong sagot ni Ion.
Ang naturang vlog ng Kuryentanong ni Vice ay viral ngayon sa socmed.
Wala mang kumpirmasyon ang dalawa hinggil sa kanilang pagmamahalan, idinadaan na lang nila ito sa biruan nila sa noontime show. Kung minsan pa nga ay nadudulas sila, lalo na si Ion.
Kamakailan nga lang ay may nasabi ang kanilang co-host na si Jhong Hilario, “Napakatotoong tao nitong si Ion, kaya parang naniniwala na ako.”





Comments