Bukod sa pag-inom ng vitamins at supplement... TIPS PARA MALABANAN ANG PAGOD
- Donna Thea Topacio
- Jun 23, 2019
- 1 min read

ANG buhay ay nakakapagod talaga, lalo na kung wala kang ginawa kundi ang magtrabaho para kumita at may ipantustos sa pamilya. Nakalulungkot, ‘di ba? Kung mahina at talunan ka, tiyak na mahihirapan kang maka-survive.
Alamin ang mga paraan para malabanan ang pagod na nararamdaman:
1. REST. Importante ang pagpapahinga, mga besh! Oks lang maging workaholic paminsan-minsan, pero kung ‘yun ang magiging dahilan para magkaroon ka ng karamdaman, aba, hindi na tama ‘yan.
2. EAT SWEETS. Yes, dahil ang matatamis na pagkain ay nakabu-boost ng energy kung saan kung inaantok at pagod ka na, maaari kang magising at mabuhayang muli. Ganern!
3. HAVE A PEACE OF MIND. Hindi lang pisikal na pangangatawan ang napapagod kundi maging ang mental health, kaya, make sure na magkakaroon kayo ng peace of mind at hindi kayo magpapaka-stress para maiwasan ninyo ang pagod. Okie?
4. KNOW YOUR GOALS. Alamin mo ang mga bagay na gusto mong marating at magawa nang sa gayun ay ma-inspired kang gawin ang mga dapat gawin kahit na pagod ka na o tinatamad ka pa. Try n’yo na, mga besh!
5. DON’T BE NEGATIVE. Make sure na dehins kayo magiging negatron dahil kapag pagod na kayo at negatibo pa kayo kung mag-isip, for sure, susuko kaagad kayo niyan.
Oh, ayan, ang pagod, palaging nandiyan ‘yan at kahit sa anong larangan ay mararamdaman ‘yan, pero ang importante, walang sukuan.
Agree? Copy?





Comments